“CLYDE! ’Asaan ka na ba? Ang sakit na ng tiyan ko! Clyde, bilisan mo, ano ba!” sigaw ni Jhyne habang sapo ang kanyang tiyan. Dahil sa pagkakarinig ni Clyde sa malakas na sigaw ng asawa ay agad siyang tumakbo pabalik sa first floor at halos mahulog na ang binata nang marinig niya ang sigaw ng asawa. “Nandiyan na, asawa ko. Kinuha ko lang ang gamit ni Baby,” halos hindi magkandaugagang sagot ni Clyde. “Kagabi ko pa iyan ipinapababa, ah—Aray! Ang sakit talaga ng tiyan ko! Ikaw, Clyde, kapag nainis ako sa kakuparan mo, malilintikan ka na talaga, makikita mo!” “Huwag ka nang magalit, asawa ko, nandito na ako. Halika na at dadalhin na kita sa ospital,” kinakabahang tugon ni Clyde. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Jhyne nang mga oras na iyon ay hindi na siya sumagot pa, bagkus ay lumapit n