Chapter 33 "Meryenda kana muna anak, baka nagugutom kana" nilapag ng kanyang Mama ang hinanda nitong meryeda para sakanila. Lalos sya naka ramdam ng gutom ng maamoy nya ang mabangong aroma ng pansit guisado na niluto nito, at nag handa din ito ng tinimplang juice na sanhi matakam sya. Bahagyang umupo sa mahabang upuan na yari sa kahoy ang kanyang Mama, na sa gilid nya lamang at bakas ang saya sa mga labi nito habang tingin sakanya. "Sabayan mo din ako Mama kumain" aya nya dito at umiling na lamang ito sakanya. "Wag na dahil kakatapos lamang namin mag meryenda ng iyong Papa" pag tatangi nito. Kinuha ng Mama nya ang maliit na plato at bahagya syang sinandukan ng pansit guisado sa kanyang lalagyan, at pagkatapos malugod naman nyang tinanggap yon. "Kamusta Hija? Rinig kong pinasyal ka ni Do