Chapter 32 Nagising sya sa mainit na yakap mula sa kanyang likuran at siniksik nito ang kanyang sarili sa kanyang likod na sanhi tumama ang mainit nitong katawan sakanya. Bahagya syang umingos at humarap sya paharap sa kanyang asawa at sinuklian nya din ito ng isang mainit at mahigpit na yakap. "Good morning" mahina at inaantok na bati sakanya ni Don. Tuminggala sya para pag masdan ang napaka gwapong mukha nito na ngayon naka pikit na animo'y inaantok pa ito. Hindi nya maiwasan na mapa ngiti ng pinag mamasdan ito ng palihim.. "Good morning too" bati nya dito. Siniksik nya ang kanyang mukha sa leeg ni Don, na ayaw nya ng umalis doon dahil naamoy nya ang mabango nitong amoy na hindi sya mag sasawang amo'y-amuyin yon. "You should get up. Baka malate kapa sa trabaho mo" paalala nya dito