Chapter 38 ADON POV "Sa tingin mo anong magandang iregalo ko kay Catherine?" Rinig nyang tinig ni Shane na naka upo lamang sa kanyang harapan. Marahan nyang pinatong ang tasa ng kape na kanyang iniinom sa saucer at bahagya nyang sinandal ang kanyang likod sa upuan habang pinag mamasdan ang mga taong nag lalakad, sa loob ng naturang shop. Naka upo silang dalawa sa two seater seat kaya't madali para sakanya na pag masdan ang mga tao na busy sa kani-kanilang ginagawa. They were in fancy coffee shop inside the mall just to relax and enjoy some moment. Nitong nag daan na linggo ay naging busy sya sa kanyang trabaho at pag papatakbo ng kanyang negosyo, kaya't hindi na sya nag kakaroon pa ng oras na mag enjoy at pumunta kong saan-saan. "May naisip kaba Adon, ng magandang regalo? Wala kasi a