Chapter 37 AIMEE POV "Okay ka lang ba Clarise?" Bahagya nyang sinulyapan ang intern sa kanyang tabi na ngayon naka upo at marami itong tini-tipa sa monitor sa kanyang harapan. "Ayaw ko na Aimee, gusto ko ng space!" Himutok nito na ngayon bahagya nyang pinatong ang kanyang ulo sa desk na animo'y suko nadin sya sa kanyang ginagawa. Kanina pa kasi nitong tinatapos ang reports na kakailanganing nitong I-submit mamaya kay Sir Don kaya't ganun na lamang ang kanyang stress at pagod na ngayon hindi pa nito natatapos iyon. "Ano suko kana? Kakailanganin na yan na reports ni Sir mamaya. Sasabihin ko na ba sakanya na suko kana?" Pabiro nya habang naka ngiti na ngayon hindi na maipinta ang mukha ni Clarise ng sandaling iyon. Tangka sana syang tatayo pero sinamanggutan lamang sya nito. "Aimee na