Chapter 36 Kinagat nya ang kanyang ibabang labi sa kaba at pag aalala na kanyang naramdaman. Napa titig muli sya sa wallclock ng makitang alas syete na ng umaga at wala padin si Don. Tinawagan nya ang numero ng kanyang asawa at patuloy lamang ito nag ri-ring at hindi sumasagot sa kanyang mga tawag. "The number you have dial is not attended or out of reach area, please try a call later" paulit-ulit nyang naririnig at pagkatapos pinatay nya ang tawag. Asan kana Don? Umaga na, pero bakit wala kapa? Labis syang nag aalala dahil hindi umuwi si Don kagabi at hanggang ngayon hindi pa umuuwi ito. Naka tulog sya sa kahihintay na umuwi ang kanyang asawa kagabi, at ganun na lamang ang pag aalala at pag kadismaya nya ng magising sya na wala ito sa kanyang tabi. Wala din syang natanggap na mensah