Chapter 40 "Busog kaba Hon?" Nabalik sa realidad ng marinig nya ang boses ni Don. "H-Huh?"yan na lang ang nasagot nya at kinagat nya ang kanyang ibabang labi para itago ang hiya na kanyang naramdaman dahil naka titig sakanya na animo'y hinihintay ang kanyang isasagot. "Ano yon?" Wala sa sarili nyang sambit. Bahagya syang napa titig kay Don na seryosong naka tingin sakanya na animo'y inoobserbahan sya nito. "Tinanong kita kong busog kaba, kasi hindi mo pa ginagalaw ang iyong pagkain" puno ng pag aalala nitong tinig. Bahagya syang napa titig sa plato nya at doon nya lamang napag tanto na hindi nya pa nga ginagalaw ang pagkain. Pinag lalaruan nya lamang sa kanyang kamay ang tinidor at kutsara na hawak-hawak nya sa pagkain. "Is there something bothering you? Kanina ko pa kasi napapans