Chapter 41 Pinikit nya ang kanyang mga mata at pagkatapos minulat nya yon ng dahan-dahan. Doon nya nakita na nag aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan, at malamig na simo'y ng hangin na humahampas sa kanyang balat. Bahagya syang napa yakap sa kanyang sarili habang nilalanghap ang malamig na simo'y ng hangin. Tahimik nyang pinag mamasdan ang mga sasakyan na dumaraan sa harapan mismo ng bahay nila. Puno ng lungkot at sakit ang kanyang mga mata sa tuwing naalala nya ang pangyayari na nakita nya si Margot at si Don na mag kasama sa kotse. Ano bang namamagitan sainyong dalawa? Ano bang nililihim mo saakin Don? Bakit ganito na lamang kasakit ang aking puso na nag durugo sa tuwing naiisip ko ang pangyayari? "Mam, hindi pa po kayo papasok? Malamig na po, kailangan nyo na pong pumasok,