Final Chapter 7 years later. Marami na ang nag bago Tuluyan na nilang nakalimutan ang insidenteng nangyari ng gabing iyon, pero nandoon padin ang kilabot na alaala, na nag bigay pag asa at bagong buhay sakanila. Mas pinili nilang dalawa ni Don na ibenta ang dati nilang bahay, dahil nandoon naiwan ang masasakit at mapapait na alaala at pangyayari na ayaw na nilang balikan pa. Ayaw sana nilang ipag bili iyon dahil iyon ang naging pangalawang naging tahanan nila, pero hindi nila magagawa na mag bagong buhay kapag nanatili pa silang tumira doon. Lumipat na sila ng bagong bahay na mas malayo. Hindi gaano iyon malaki ang bahay, kumpara sa unang bahay nila pero masasabi nyang tahimik at masaya ang pag sasama nila na malayo sa gulo. Dalawang palapag din ang bahay at kompleto dito sa gamit.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books