Chapter 53 MARGOT "Hi pogi" bati nya sa guards na naka bantay sa labas ng bahay nila Ace. Maganda ang hubog ng kanyang katawan, matangkad at hindi nya maikakaila na may itsura naman ito. Dapat lang madala ito sa kanyang kagandahan dahil maganda ako! Maraming mga lalaki ang nag kakandarapa sa aking natatanging kagandahan! At sinisiguro nya na magugustuhan sya nito. Na maging sunod-sunuran ito sa kanyang kagustuhan. Naka suot sya ng kulay puting dress na humubog ang kanyang magada at sexy na katawan. Hinayaan nyang naka lugay ang kanyang mahabang buhok na tinatanggay yon sa bawat pag ihip ng hangin. Nag lagay din sya ng makapal at dark shades ng make up sa at nilagyan nya ang kanyang labi ng pulang lipstick. Sa kanyang ayos, para syang kontrabida sa pelikula na kinakatakutan ng lahat