Chapter 52 "Tahan na baby. Andito si Mommy" patuloy nyang hinihili ang kanyang anak na patuloy na umiiyak sa kanyang pag kakarga. Naawa sya at hindi nya alam kong ano ang dapat nyang gawin dahil hindi padin ito tumitigil sa pag iyak. Tila ba kinurot ang puso nya at parang gusto nyang umiyak nadin. Mamula-mula na ang mukha at pisngi nito na, na tila ba nasasaktan o may masakit syang nararamdaman. Hindi nya mawari kong bakit ganun na lamang ang pag palahaw ng pag iyak nito, okay naman ito kanina. Sinuri nyanang katawan nito kong may kumagat na insekto o kaya mayrong sugat pero wala naman syang makita. Hindi naman basa ang diaper nito. Hinihili at sinasayaw nya na ito pero wala padin. Sinubukan nya nadin padedeen ito pero ayaw nitong subuin iyon. "Baby, may masakit ba sayo ha? Wag kanang