SIDE STORY 19: Bewildered THIRD PERSON'S P.O.V At dahil sa sinabi ni Casimira ay nagsimulang lumandas ang takot sa mga mata ni Sven at nagsisimula na rin itong maguluhan. Alam naman ni Casimira na sa mga sandaling iyon ay posibleng lalo lang siyang layuan ni Sven pero hindi iyon naisip ni Casimira dahil may tiwala siya sa lalaki na maiintindihan nito ang sitwasyon niya. "T-totoo ba ang sinasabi mo? I-I mean halata namang n-nagbago ang anyo mo p-pero bakit? B-bakit mo sinasabi ngayon sa akin 'to? T-tinatakot mo ba ako?" natatakot na sabi ni Sven sa kanya at bigla na lang itong napaahon sa bathtub. Kaya naman dali-daling hinawakan ni Casimira ang kamay ni Sven para pigilan ang binata at dahil din dun kaya naman napatayo na si Casimira sa bathtub. Hindi niya rin naiwasan ang saril