SIDE STORY 18: Clear SVEN YOSEF'S P.O.V "Sigurado ka bang ayos lang na dito ka magpapalipas ng gabi? 'Di ba ang sabi mo sa akin, may sakit ang kambal mo? May nag-aalaga ba sa kanya kahit wala ka sa inyo?" nag-aalalang tanong ko kay Casimira. At dahil malapit ng maghating-gabi ay naisip ko rin na dito na lang pagpalipasin ng gabi si Casimira. Tutal ako naman ang nag-imbita sa kanya dito dahil nakita ko siya kanina sa bakeshop na naghihintay at mukhang malalim ang iniisip. "Ayos lang, umalis naman ang kambal ko kanina. Marami kasing nangyari kanina pero alam kong magiging maayos lang ang lagay niya," marahan namang ngumiti si Casimira sa akin matapos niyang sabihin iyon. "G-ganun ba? S-sige, ipaghahanda muna kita ng makakain," sabi ko naman at akmang maglalakad na papuntang kusina ng ma