SIDE STORY 17: Mess CASIMIRA DAWN'S P.O.V "Nakauwi ka ba kagabi nang maayos?" nag-aalalang tanong ko kay Yosef habang kausap ko ito sa phone. Hindi kasi ako makaalis ng mansyon dahil bigla na lang sumama ang pakiramdam ni Caius. Nag-aalala rin kasi ako sa lagay ng kambal ko kaya naman hindi pa rin ako nakakapunta ulit sa bakeshop ni Yosef kaya nagpasiya na lang akong tawagan siya. "Yeah, nakauwi naman ako nang maayos. Inaya kasi ako ng business partner ko na mag-inuman kagabi kaya hindi rin ako nakauwi ng maaga pero wala namang nangyari sa 'kin," seryosong paliwanag naman ni Yosef sa akin kaya napangiti ako. "Hindi ba ako nakakaabala sa 'yo ngayon? Wala ba kayo masyadong customers?" tanong ko naman at sandali pang natahimik si Yosef sa kabilang linya bago sumagot. "Wala na gaano. Pwe