SIDE STORY 16: Chaos THIRD PERSON'S P.O.V "Anong nangyari sa kamay mo, Alliza?" nag-aalalang tanong ni Drusilla pagkarating ni Alliza sa coffee shop ni Angela. At dahil sinabi ni Alliza kay Angela na gusto nitong magpakalasing ay nagpasiya naman si Angela na magsara ng maaga sa coffee shop niya para makapag-inuman sila. Nasa table na ang mga in-can beer na binili nila habang papunta pa lang si Alliza sa shop kaya naman pagkadating ni Alliza sa coffee shop ni Angela ay nagsisimula na silang mag-inom. "Oo nga? Napaso ka ba?" takang tanong naman ni Sven ng mapansin ang kamay ni Alliza. Kaya naman nasa coffee shop si Sven ni Angela dahil bigla na lang siyang tinawagan ng babae. At dahil dun kaya naman di na nakatanggi si Sven na pumunta sa shop nito. "Ahh, n-napaso kasi ako kanina habang