CHAPTER 53: Link CAIUS MIDNIGHT'S P.O.V "T-teka! A-anong ginagawa n'yo rito? May nangyari bang masa—" hindi naituloy pa ni Eleazar ang sasabihin ng makita niya akong dala-dala ang katawan ni Alliza. "We need your help," I said seriously. Nakita ko namang biglang sumeryoso si Eleazar saka siya sumenyas sa akin na ilapag ko si Alliza sa mahabang sofa bed. Matapos no'n ay pinulsuhan niya sa leeg si Alliza at nakita ko namang kunot ang noo niyang napaharap sa akin. "She's dead!" Eleazar announced, and I saw him walk towards me. "I know, that's why I brought her here. I want you to help me bring her back to life again," I told him earnestly. Narinig ko namang malalim siyang napahinga at hindi makapaniwalang napabaling sa akin. "Are you insane? Paano ko naman gagawin iyon?" hindi makapan