CHAPTER 54: Weak THIRD PERSON'S P.O.V Isang linggo makalipas ang ginawang rituwal nila Midnight kay Alliza. Ay wala pa ring nagbago sa katawan ni Alliza kaya naman matapos ang ginawa nilang rituwal ay binalik lang nila ang higaan ni Alliza sa silid kung saan ito nakalagay. At habang naghihintay sa pagbabago ng katawan ni Alliza ay naisip din nila Midnight na at Eleazar na magtanong-tanong sa ibang mga vampire magician na pwede makatulong sa kanila na bumuhay kay Alliza. At habang patagal din ng patagal ang paghihintay ni Midnight na mabuhay ulit si Alliza ay unti-unti na rin siyang nakakaramdam ng pagkauhaw. At dahil ilang araw na rin siyang nagpipigil na uminom ng dugo ay muli na naman siyang nakakaramdam ng kirot sa dibdib niya. "Master Caius, ayos lang ba kayo? Mukhang ang lalim na