Chapter 44

1131 Words

Layla POV Umalis lang sandali si Arwel. Mayamaya lang ay bumalik din ito kaagad. May dala na itong mga isda na iihawin. Nakahubad na itong bumalik. Ibinaba ko ang aking tingin. Baka matunaw pa iyang abs niyang namamatak sa tigas. Sama pa nang may tumutulong pawis. "Baka matunaw ako sa mga titig mo. Ikaw din wala ka nang gwapong tagapag-ihaw ng isda mo," sabay kindat nito sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay at inismiran. Pero sa loob ko gusto ko nang matawa dahil sa mga bugok niyang banat. Panay banat. Akala ba niya kinikilig ako. "Huwag mo nang pigilan ang tawa mo. Halata namang kinikilig ka," muli ay sabi niya. Mukhang bumalik ang Arwel na nakasama ko noon. Sa inis ko, tinanggal ko ang sagabal na takip sa two piece ko. Tingnan natin kung 'di luluwa mata niya kapag nakita niya ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD