Third Person POV Masamang tingin ang sumalubong kay Arwel nang pumasok siya sa office ni Mr. Johnson. Dalawang araw siyang nawala. Sa dalawang araw na 'yon kasama niya si Layla at ang kanilang anak. Isang araw niyang pinag-isipan kung saan itatago ang kaniyang mag-ina dahil sa banta ng kaniyang ama-amahan. Sa hitsura pa lang nang tingin nito sa kaniya ay halatang galit na naman ito. Kaya lang naman siya ang gustong ipakasal kay Jenny dahil gusto nito sa kaniya mapunta ang mga negosyo kaysa mapunta pa sa iba. Kaya gustong-gusto nitong sa kaniya maikasal ang anak nitong si Jenny. "Where have you been for two days, Sebastian!" Pinasadahan siya nito ng tingin. Umupo siya sa katapat nitong upuan, while his hands were on his chin. Nasa plano na niya ang lahat. Plano na niyang hindi niya na