Layla POV Pagkatapos nang nangyari, hindi ko inaasahang ihahatid ako ni Jasper. Mabuti na lang at tulog na si Arvel, hindi siya nito nakita. Kapag nagkataon, baka kukulitin lang ako ni Arvel na makita si Sir Jasper. Kahit gusto ko nang sumuko at isipin na hindi siya si Arwel, binubulong ng puso kong siya si Arwel. Paano ako susuko kung bawat tingin ko sa kaniya ay si Arwel ang nakikita ko. Hindi rin naman kami nag-usap. Kapag may tanong lang siya sa akin ay tsaka lang din ako nagsasalita. Parang may kung anong tinik ang nakapagitan sa amin habang nagmamaneho siya ng kaniyang kotse. Nakakabingi ang katahimikan. Hinatid niya lang ako pagkatapos ay umalis din kaagad. Mukha kasi siyang nagmamadali. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Ngayong hindi naman ako siguradong siya ba talaga si A