Layla POV Marahan na tumili ang mga kasamahan ko. Tiningnan ko rin kung sino ang dumating. Nasilayan ko si Jasper na naglalakad palapit sa kinaroroonan namin. May kausap itong naka suit na lalaki. Ibinaba ko ang aking tingin. Makikilala iya ako. Baka kapag nagkagaon ay paaalisin niya ako. Nang makalapit ay isa-is akaming bumati sa kaniya. Ipinagdarasal kong hindi niya ako makikilala. Kapag nalaman niyang ako iyong nanggulo sa kaniya nakaraang araw ay baka paalisin niya ako ngayon. Isa-isa kaming bumati sa bawat madadaanan niya. Naramdaman ko ang paginto niya sa tapat ko. "Miss..." tawag niya. Napangiwi ako. Parang ayokong humarap sa kaniya. Baka pagnakita niya ako ay ipakaladkad niya ako palabas. "Gonzales!" bulong sa akin ng mga kasamahan ko. "Humarap ka, tinatawag ka."