Layla POV Hindi talaga ako mapakali. Hindi ako natatahimik hangga't hindi ko napapatunayan na siya si Arwel. Maaga pa lang ay nagising na ako. Naghahanda ako dahil mag-aapply ako ng trabaho. Kahit ano basta matanggap lang ako sa kompanya na iyon. Habang naglalakad ako tinatakpan ko ang aking mukha. Ilang araw akong nasa labas ng Kompanya na iyon dahil nagbabakasakaling makausap kong muli si Arwel. Pero bigo ako, hindi niya man lang ako pinagtuunan ng pansin. Hindi na rin ako nakapasok dahil ipinagbabawal ni Jasper sa guard. Hindi na niya ako pinapasok pa muli. Sumasabay na lang ako sa mga babaeng pumapasok sa kompanya. Narinig ko kasing mag-aapply din sila. Mabuti na lang at hiring sila. May pag-asa na akong araw-araw masilayan si Jasper. Hindi ko lang mapigilan, kung siya man si Ja