Layla POV Nasa tapat na ako ng building kung saan pagmamay-ari ni Jasper. Ang pinagkakamalan kong si Arwel. Hindi ako susuko hangga't 'di ko napapatunayan na siya si Arwel. Tumingala ako sa building. Huminga nang malalim. Kailangan kong gawin 'to. Nagmadali akong pumasok. Lumapit kaagad ako sa babaeng naka uniform. "Ano po ang kailangan niyo, Ma'am?" +tanong kaagad nito sa akin. "Gusto ko sanang kausapin si A-Mr. S-Salcedo." "May appointment po ba kayo kay Mr. Salcedo Ma'am?" tanong na naman nito. Kailangan pa ba ng appointment para makausap ko siya. Wala akong appointment. Anong palusot ko. "Ma'am?" untag niya. Sandali kasi akong nag-isip. "S-sandali lang naman ako Miss. Gusto ko lang galaga siyang makausap." pagmakaawa ko dito. "Hindi po puwede Ma'am, ako naman po ang