CHAPTER 101 - PAGHAHANDA

1369 Words

“Hindi mo ba nagustuhan ang mga ipinaluto kong pagkain para sa 'yo? Puro paborito mo ang mga 'yan? Dating cook sa barko iyon, kaya masarap siyang magluto.” Ang tinutukoy niya ay iyong isang tauhan niya. Hindi iyon kasama sa mga sumundo sa akin kanina. Hindi pa kasi ako sumasandok ng alinmang ulam na nakahain ngayon dito sa mesa. Nag-aalala kasi ako na baka may kung ano silang inilagay dito sa pagkain kaya hindi pa ako nagsisimulang kumain. Nagkunwari na lang ako na tinitingnan ko pa isa-isa ang mga nakahaing ulam. Nang sumandok na si Mama ng pagkain at nagsimula na siyang kumain, naglagay na rin ako ng pagkain sa plato ko at kumain na. Ibig sabihin, ligtas kainin iyong mga nakahain ngayon. Kailangan, pilitin kong kumain. Kakailanganin ko ng lakas ng katawan at ng isip. Si Mama lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD