Pakiramdam ko ay napakatagal buksan ni Eddie ang kandado ng pintuan ng kuwarto kung saan nananatili si Tita Clover. Hindi na ako makapaghintay na tuluyang mabuksan ang pintuan at makita ang lagay ni Tita Clover. Nakita kong sinulyapan ni Eddie ang hawak kong malinis na damit na kihuha ko sa lagayan ni Mama, pati na ang sabon at shampoo. "Mukhang espesyal sa iyo ang bihag ni Mam, ah? Paliliguan mo pa," nakangiting komento niya. "Matanong nga kita. Mula ba nung dumating ka dito, naligo ka na?" "Oo naman! Ang init kaya ng panahon!" "Kita mo na? Kung ikaw nga naliligo, siya kaya?" sagot ko kay Eddie, sakto rin na nabuksan na niya ang pintuan. Nakita kong nagkamot ng ulo niya si Eddie, tila ina-analyze sa isip niya iyong sinabi ko. Hindi ko na siya pinansin. Ang atensyon ko ay na kay