"Moana, nasaan si Clover? Nasaan ang asawa ko?" maigting ang mga panga na tanong ni Tito Judd kay Mama. Magkaharapan sila ni Mama, habang ako ay nasa bandang likod ni Mama habang mahigpit na hawak ni Eddie ang braso ko sa likuran ko. Nahihiya ako kay Tito Judd. Marahil iniisip niya ngayon na wala man lang akong ginawa para mailigtas si Tita Clover. O baka nga iniisip niyang kasabwat pa ako ni Mama dahil nandito ako ngayon sa side ni Mama at kasama sa pagkuha ng pera. Hindi ko alam kung nasaan kami. Nakapiring na naman ang mga mata ko nang magpunta kami dito. Ibig sabihin ay hindi ko pa tuluyang nakuha ang loob ni Mama. Apat kaming nagpunta dito, pero bigla na lang nawala si Ed. Ang kinaroroonan namin ngayon ay tila isang abandonadong planta. May ilang mga makinarya sa paligid namin n