CHAPTER 54 - WHAT'S THE DATE TODAY?

1671 Words

Abala ako sa laptop ko nang marinig ko ang pagkaka-ingay sa labas ng opisina ko. Tiningnan ko ang oras sa ibaba ng screen ng laptop ko. Oras na pala ng uwian. Kaya siguro maingay na sa labas. Muli kong itinutok ang atensiyon ko sa screen ng laptop ko para ituloy at tapusin ang ginagawa ko. Nang may kumatok sa pintuan. Iniisip kong magpapaalam siguro sa akin ang team ko, dahil uuwi na sila. “Come in!” Bumukas nang bahagya ang pintuan, pero wala namang pumasok. Nagtaka ako, at inabangan kung sino ang papasok sa pintuan. Pero ilang segundo na ang nagdaan at wala pa ring pumapasok. May konting kaba akong naramdaman. Pinakiramdaman ko rin ang labas at tahimik na doon, hindi katulad kanina. Mukhang nagsipag-uwian na ang mga tao ko. Kung ganon, sino ang nasa labas at gustong pumasok dito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD