[Jett]
Nakita kong lumabas na ng kuwarto ni Athena si Agnes. Pilit kong sinisilip ang itsura ng mukha nito. Mukhang hindi naman sila nag-away o nagkasagutan ni Athena, base sa kalmado niyang mukha.
Kanina pa ako hindi mapakali. Iniisip ko na baka ikapahamak ni Agnes ang ginawa kong paga-apply at pagpasok dito sa kumpanya ni Athena. Sana, hindi naman...
Nag-mental note na rin ako na padalhan ng reward si Agnes. Pero siyempre, hindi niya kailangang malaman na sa akin galing 'yon. Kinuha ko ang phone ko at nagpadala ng mensahe kay Isabel, ang sekretarya ko sa Araullo branch, at saka nagbigay ng instructions sa kanya.
Pagkatapos kong magbigay ng mga bilin kay Isabel, naisip ko na naman ang eksena namin kanina sa loob ng kuwarto ni Athena. Halatang nagulat siya nang makita niya akong nakatayo doon sa harapan niya. Pero kasabay ng pagkagulat na iyon, hindi maikakaila ang galit na unti-unting lumitaw sa mukha niya. Hindi ko lang alam kung napansin din ba ni Agnes, o sobrang guilty ko lang kaya iyon ang nakikita ko kay Athena.
I can see that she's still mad at me. After all these years.... what? Seven years? Sabagay, sino bang babae ang hindi magagalit sa ginawa ko? I dumped her just like that, just like a wink of an eye. But I have no choice.
Sa sobrang galit niya sa akin, ni hindi nga siya umattend ng kasal ni Josh at Hyacinth last June. Sobrang galit na ni makita ang mukha ko ay hindi niya nanaising gawin.
Pero umasa ako nung kasal ni kambal at ni Hyacinth. Akala ko pa naman makikita ko na siya noon. Nahihiya nga ako kay Hyacinth. Alam kong alam ni Hyacinth that I am the reason why she didn't attended Hyacinth's wedding. Siya pa naman ang Maid of Honor ni Hyacinth. At siyempre, alam niyang matik na ako ang Best Man, sino pa ba? Wala nang iba.
Lingid sa kaalaman nung dalawang ikakasal, I had already made plans for that day. Dahil magkikita kami that day, I wanted to re-connect with her. Talk to her. Court her again. Be happy with her. Be with her for the rest of my life. But everything blew up when she did not show up.
Sabi ni Hyacinth, I should bear with her. My plans with her should be slowly. but surely. Pag-isipang mabuti. If I really wanted to wint her heart. Again. Or else, mawawalang saysay ang lahat. Siguro nga, Hyacinth has a point.
So, I just observed from a distance. I followed her, stalked her. Para lang si Josh noon kay Hyacinth.
Actually, I've been following her since we broke up. Nagkahiwalay man kami, but that doesn't me that she's been out of my sight. Lagi akong nakasubaybay sa kanya. Kahit noong graduation niya, nakisaya ako sa tagumpay niya, kahit hindi niya ako nakikita.
Kahit noong magpakilala sa kanya ang kanyang amang si Arnulfo Ybañez, at ilagay siya nito dito sa Strategy, Inc. ay palihim akong sumubaybay sa kanya.
Sa pagsubaybay ko sa kanya ay isang lalaki lang ang na-involve sa kanya. Si Aldrtz Mercado, isang car racer at matalik na kaibigan ni Bry Severino, iyong karibal dati ni Josh kay Hyacinth. Pero hindi din naman nagtagal ang relasyon nila. Subukan lang ni Mercado na ituloy pang makipagrelasyon kay Athena, hindi ako mangingiming totohanin ang banta ko sa kanya.
Si Ms. Soriano lang ang madalas niyang kasamang lumalabas, ang HR Manager ng Strategy, Inc.. Shopping, dining, watching movie. Minsan, nagba-bar. Iyun lang ang leisure time niya. Tapos puro trabaho na. Natutuwa man ako na si Agnes at trabaho lang ang pinagkakaabalahan niya, pero nalulungkot din ako na parang sa trabaho na lang niya dine-dedicate ang buhay niya.
Kaya nung aksidenteng makita ko sa social media na naghahanap ang Strategy, Inc. ng tao para sa posisyon ko ngayon ay may nabuong plano sa isip ko. I must get back what is mine…
"Kumusta naman ang first day mo kay Lady Dragon?"
Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Nakatayo ito sa labas ng cubicle ko habang nakasampay ang dalawang braso sa cubicle panel.
"Sinong Lady Dragon?" nagtatakang tanong ko sa lalaki, na siguro ay may isa o dalawang taon ang tanda sa akin.
"Si Mam Velasquez. Sus mariosep! Apakasungit kaya niyan! Parang laging bumubuga ng apoy. Kaya nga Lady Dragon ang tawag namin sa kanya," natatawang sagot niya.
Masungit? Si Athena na yata ang pinakamalambing na nilalang na nakilala ko.
"So far, hindi pa naman niya ako pinagsusungitan," sagot ko.
Really, Jett? Eh ano 'yung nangyari sa loob kanina?
"Ows? Hindi nga?" Tila hindi makapaniwalang tanong uli ng lalaki.
"Siguro, tama ang desisyon ni Mam Agnes na lalaki nga ang ilagay na assistant ni Lady Dragon," dagdag pa niya.
"Bakit ba nag-resign 'yung kapalit ko?" tanong ko.
"Correction, pare.... mga kapalit!" may pagmamalaki sa sagot niya.
"Mga? Dalawa sila?" Umiling iyong lalaki bilang sagot.
"Correction uli. Lima. Limang babae ang pinalitan mo diyan sa posisyon na yan! Imagine? Lima?"
Napakunot-noo ako.
"Hindi ka makapaniwala ano? Isang buwan lang ang tinatagal nila. 'Yung iba ngang mahina-hina ang loob, weeks lang nagre-resign na agad! Ang sungit kaya niyang boss mo!"
What happened to you, my Sugar?
"Dito ka rin ba sa department na 'to?" tanong ko sa kanya.
"Ah,oo. Dito ako sa Account Management. Herbert nga pala, pare. Tawag nila sa kin dito Bert. Minsan Berting, Berto, Berts. Kung ano maisipan nilang itawag," pakilala nito.
Tumango lang ako sa kanya. Mukhang harmless naman ito sa Sugar ko.
"And you are??" tanong nito sa akin, nang hindi ko maibigay agad ang pangalan ko.
"Jett." Tumayo ako para maiabot ko sa kanya ang kamay ko.
Napansin kong pinagmasdan akong mabuti ni Herbert nung tumayo ako.
"Alam mo... sa tindig mo, mas bagay sa iyo ang boss, kaysa Account Executive Assistant."
Marunong kumilatis ha....
Pinilit kong magpeke ng tawa. "Hindi naman..." pa-humble kong sabi.
"Pero pare, in fairness ha, mula nang hawakan ni Lady Dragon itong department na 'to, dumami ang kliyente ng Strategy, Inc. Strong personality kasi si Mam. Saka kapag binigyan ng assignment ng Mr. Ybañez, hindi pwedeng hindi niya tatrabahuhin at tatapusin," pag-iiba niya sa topic.
Pero okay lang. Kahit papano, may positive feedback pa rin pala sila kay Athena ko, sa kabila ng negative feedback. Kahit paano ay natuwa naman ako sa sinabi niya. So proud of my Sugar...
"So paano pare? Balik na ako sa puwesto ko, ha.Mahirap na. Baka makita pa ako ni Lady Dragon na nakatambay dito, masita pa ako. Ayaw na ayaw niyan ng dumadaldal sa trabaho kapag ganitong office hours. Ganyan ka workaholic 'yang boss mo. So, good luck na lang, ha! Sana makatagal ka, para makasama kita dito nang matagal. Para may kasama na akong guwapo dito sa department na 'to," sabi pa nito, at saka tumalikod na. Mabilis siyang naglakad papunta sa mesa niya.
Naupo na uli ako sa upuan ko, sabay napaisip. Papaanong ang isang soft-spoken at malambing na Athena ay naging masungit at strong personality? Ako ba ang may gawa sa iyo nun, Sugar?
"H-Hi!"
Napalingon uli ako sa nagsalita. Nakatayo sa entrance ng cubicle ko ang isang long-legged at magandang babae. Nakangiti ito sa akin. Pinaharap ko sa kanya ang upuan ko.
"Yes?" tanong ko dito.
"Jett, right?" balik-tanong niya sa akin.
"Yes. I'm Jett."
Naglakad ito palapit sa akin. "I'm Trish. Ako yung pansamantalang in-charge sa schedules ni Mam Velasquez nung wala ka pa dito."
Huminto ito sa tapat ko, at saka may inabot na print out ng kalendaryo ng kasalukuyang buwan na may mga sulat-kamay.
"Since ikaw na 'yung assistant niya... kaya sa 'yo na 'yan. Iyan ang schedule ni Mam for this month, iyung iba hanggang December na. Nag- print out lang ako ng calendar kasi alam ko namang temporary lang 'yan sa akin. Bahala ka na kung ililipat mo sa notebook mo o sa planner mo. Nasa sa 'yo na 'yun..." nakangiting sabi nito.
"Ah. Okay.... yeah. Ako nang bahala," sabi ko dito, habang binabasa ko ang mga nakasulat sa papel na inabot niya sa akin.At least, ma-scrutinize ko ang mga meetings niya, at kung sino-sino ang mga ka-meeting niya. Off-limits ang mga bachelors. Kapag may-asawa na, pag-iisipan ko muna kung ia-approve ko.
Napansin kong hindi pa rin umaalis iyong babae sa harap ko, kaya nag-angat ako ng mukha.
"Is there anything else?"
"Uhm..." tila nahihiyang sabi nito.
"Sabay ka na sa aking kumain ng lunch mamaya. Marami akong dalang ulam today. Birthday ko kasi kahapon. Don't worry, ano... marami naman tayong magkakasabay," sabay turo niya sa mga katabi at katapat kong mga cubicles. "Baka kasi akala mo, tayong dalawa lang... hehe..."
"Ah... okay. Let me--"
"Mr. Madrigal!!"
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Trish. Ang bibig nito ay napaporma pa ng letter O. Agad naman akong napatayo sa upuan ko. Sabay pa kami ni Trish tumingin sa direksiyon ng pintuan ng office ni Athena.
Nakatayo sa tapat ng pintuan ang animo ay manlalapa na si Athena.
"Come to my office!" galit na sabi nito.
"A-Ako po ba, b-boss?" tanong ni Trish kay Athena, sabay turo sa sarili niya.
"You..." Itinaas ni Athena ang kamay niya, at saka itinuro si Trish. "Get back to your place!" malakas na sabi ni Athena. Napayuko tuloy si Trish, at saka mabilis na nawala sa harapan ko.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa cubicle niya. Nagulat pa ako nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pintuan ng opisina ni Athena.
"Ano pang itinatayo mo diyan, Jett? Pumasok ka na dun sa loob....." tarantang sabi sa akin ni Herbert, na tumayo pa mula sa mesa niya.
"A-Ano bang ginawa ko? Ni Trish? Para magalit siya nang ganun?" tanong ko sa mga taong nakatingin lahat sa akin.
"Normal lang yan!" sabay-sabay nilang sagot.
"Normal???" nagtataka kong tanong.
Tumango din sila ng sabay-sabay nang biglang bumukas uli ang pintuan ng office ni Athena kaya sabay-sabay din silang nagsiyukuan at nagkunwaring busy sa mga mesa nila.
"Mr. Madrigal? Are you---"
"Coming, boss!" putol ko sa sasabihin niya, at saka halos tumakbo na ako papunta sa kuwarto niya.
NAGMAMADALI akong pumasok sa loob ng opisina ni Athena. Habol-habol ko ang hininga ko. Besides sa sobrang binilisan ko talaga ang paglalakad papunta dito sa kuwarto niya, ay kinakabahan din ako sa ikinikilos niya. Ano ba kasi'ng ginawa ko sa labas? Wala akong matandaan.
"Mr. Madrigal."
Umayos ako ng tayo, nang marinig kong tinawag ako ni Athena. Seryoso lang ang mukha kong nakatingin sa kanya, habang nakaupo siya sa likod ng mesa niya.
"Hindi ka pa ba na-orient ng HR about company rules and policies? Or even though hindi ka pa na-orient, it's not an excuse! For your information, you are not allowed to flirt with girls in the office during company hours! Siguro naman sa pinanggalingan mong kumpanya, may ganyan din kayong rules? Or baka naman, ikaw mismo ang bumabali sa sarili n'yong rules sa kumpanya?"
I was stunned for a moment. Pero biglang hindi ko napigilang mapangiti. Dahilan para lalong magalit ang itsura ni Athena. Biglang nagsalubong ang mga kilay nito, kaya iyong ngiti ko ay naging mahinang tawa na.
Yumuko na lang ako. Baka sakaling mapigilan ko pa, kapag hindi ko na nakikita ang mukha ni Athena.
But it seems this only made her more upset.
"Meron bang katawa-tawa Mr. Madrigal?" tila nagpipigil na sumabog na tanong ni Athena.
Sinikap kong pigilin pa rin ang mahinang pagtawa ko, pero ang hirap talagang kontrolin. I know I will be in trouble any moment. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa sobrang saya ko.
"Damn, Jett! Tell me what's inside your mind!" sigaw nito sabay ng pagkuyom ng isang palad niya sa ere, na para bang sasapukin ako.
I tried to suppress my laughter and cleared my throat. "Aw! Nothing serious, boss... it's just that... you're acting like..." Sinadya kong ibitin ang sasabihin ko. Tinatantiya ko muna si Athena.
Pero sa itsura niya ngayon, na anytime ay mukhang sasaktan na ako, napilitan ko na ring sabihin ang karugtong.
Ngumiti muna ako sa kanya nang ubod tamis, at saka ko na sinabi ang obserbasyon ko sa kanya.
"You're acting like a jealous girlfriend, boss."
~CJ1016