"What? No!" Bahagya kong nailayo sa tenga ko ang hawak kong telepono sa pagsigaw ni Jett sa kabilang linya. "Sakit sa tenga, Jett, ha?" komento ko nang maibalik ko na uli iyong telepono ko sa tapat ng tenga ko. "Sorry, boss. Kasi… okay. Payag ako, basta magkasama kayo ni Jen na pupunta sa mall. Doon na lang tayo magkita. I'll just call you kapag nasa area na ko." Malapad akong napangiti. Yes! Success! "See you later!" "Yes, boss. See you later." Nakangiting ibinaba ko na ang tawag at saka binalingan si Jen. "Let’s go, Jen!" INIABOT ko ang bayad namin sa taxi driver, at saka bumaba na. Nahirapan din kasi kaming mag-book sa TNVS app. "Bakit naman Pati si Caesar eh naka-leave? Parang nakahalata na ako, ah," komento ko habang papasok na kami ng entrance sa mall ni Jen. "Ha? Bos