Bahagya akong nagising dahil sa lamig na naramdaman ko. Mukhang naalis ang pagkakatakip ng comforter sa katawan ko. Nakatagilid ako paharap sa gilid ng kama, at sa sobrang antok ko pa ay hindi na ako nag-aksaya ng oras na dumilat. Nakapikit na kinapa ko ng kamay ko iyong comforter sa bandang likuran ko. Naaalala ko kasi kagabi na parang nainitan ako kaya siguro wala sa loob ko na inalis ko ang comforter sa katawan ko. Sa paglanding ng kamay ko sa likuran ko ay kama pa rin ang nahawakan ko, kaya umusod pa ako nang konti, at kinapa sa mas mababang parte ng kama iyong comforter, at baka nasa bandang ibaba nga. May nakapa akong kakaibang tela. Eto na siguro 'yon! Nanlalatang hinila ko iyon at saka itinakip sa katawan ko. Pinilit kong bumalik sa pagkakatulog. Antok na antok pa talaga ako. Pa