“Hoy, Jett! Ingatan mo ang kaibigan ko dun, ha!” Mas lamang na utos ang pagkakasabi nun ni Hyacinth kay Jett, sa halip na pakiusap. “Naman, Hyacinth… kailangan pa bang sabihin sa akin ‘yun? Ako ‘to! Si Jett, may dugong Madrigal!” Tinampal ni Hyacinth ang noo ni Jett, “ang yabang…” Sabay namang natawa ni Jett. Umakbay naman si Josh kay Hyacinth. “Baby, alam mo namang iyan ang trademark naming mga Madrigal. Masarap magmahal. Mamahalin ka mula simula hanggang wakas,” banat naman ni Josh. Kunwari ay umaktong nag-iisip si Hyacinth, tapos ay nilingon si Josh. “Sa case mo, parang hindi naman?” Sumimangot si Josh kay Hyacinth, “baby?” Napangiti ako. Ngayon ko lang nakita ang mga ganitong lambingan ng mag-asawang ito. Dati kasi, pigil ang mga emosyon ni Josh para kay Hyacinth, na hin