Simula kahapon ay araw-araw nang maraming tao sa mansyon ng mga Madrigal. Labas-pasok ang mga tauhan ni Tito Lance. Kanya-kanya silang assignment. Halos twenty-four hours silang nagtatrabaho, para lang maiuwing lilgtas si Tita Clover. Nagising uli ako na wala na sa tabi ko si Jett. Marahil ay nandoon na sa ibaba para makibalita sa sitwasyon. Bumangon na ako para makapag-almusal. Naisipan kong mag-shower na muna bago bumaba at makihalubilo sa mga tao doon. Bago ako lumabas ng kuwarto ay dinampot ko ang laptop ko. Ang balak ko ay magbukas ng mga email ko. Kukumustahin ko iyong mga na-pending kong mga proposal sa mga possible customers ng Strategy, Inc. Katulad ng naisip ko kanina, nandito nga si Jett. Magkaka-umpok na naman sila nila Josh, Tito Judd, Tito Lance at Arkin. May sinasabi si