CHAPTER 11 - LUNCH DATE

2026 Words
"Pami, nakita mo ba yung bagong issue ng HOT Men magazine?" narinig kong mahinang tanong ni Claire kay Pamela. Si Claire ang kaibigan / (s***h) Girl Friday ni Pamela. Hindi ko nga alam kung si Pamela ba ang nagpapasahod kay Claire. "Why? What's with that magazine?" mataray na tanong naman ni Pamela. Nasa Conference room kaming tatlo sa Strategy, Inc.. Tahimik lang akong gumagawa sa laptop ko ng Business Proposal para sa old client ng Strategy, Inc. na isang softdrinks company, ang Universal Soda. Ako ang inutusan ni Pamela na gumawa at mamaya daw niya iche-check ang ginawa ko. Kaya ang siste, ako lang ang busy sa aming tatlo dito. Samantalang silang dalawa ay walang ginawa kung hindi ang magchickahan lang at pag-usapan ang buhay-buhay ng mga dating classmates nila sa College, o ng mga sikat na tao sa lipunan, katulad ngayon. "Ano ka ba girl, 'yung mga crush mo ang nasa front cover! Tapos may center fold pa na naka-topless sila, girl!" narinig kong sagot ni Claire na para bang maiihi na sa sobrang kilig. "Really?" prim and proper pa rin na tanong ni Pamela. "Lolokohin ba naman kita, girl? Eh alam ko namang crush na crush mo 'yung dalawang 'yun... pero girl... sino ba sa dalawang 'yun ang talagang crush mo? Alangan namang both?" si Claire uli. "Well... actually, wala ka namang itulak-kabigin dun sa dalawa, since magkamukha naman sila. Kaya lang, taken na 'yung isa, eh. So, dun na lang ako sa wala pang sabit. Kay Jett Madrigal." Kung di ko lang napigilan ay baka naibuga ko 'yung kapeng iniinom ko sa laptop na nasa harap ko. "Athena??? Ano ka ba! Muntik mo nang mabugahan 'yang laptop ng company! That's only months old, sa 'yo lang masisira?" asik ni Pamela sa akin, habang masama ang tingin. "Sorry! Sorry!" natatarantang hingi ko ng paumanhin, habang nagmamadali akong punasan ng tissue 'yung mga tumalsik na kape sa tapat ng mesa. "May problema ba, Athena?" tanong ni Pamela. "Wa-Wala. Nasamid lang ako. Ano... mainit kasi yung kape," katwiran ko. Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Pamela. "Hot coffee ang hiningi mo so expect mong mainit," sabi pa nito. "Na--wala kasi sa isip ko," pagdadahilan ko pa. "Hmp! Wait... nakikinig ka ba sa usapan namin ni Pami?" hirit naman ni Claire. "Hindi! Hindi, 'noh....busy ako sa presentation na ginagawa ko dito," katwiran ko. Binigyan ako ng isang pasimpleng irap ni Claire, at saka bumaling uli kay Pamela para ituloy ang pinag-uusapan nila. Seriously, may gusto ba talaga siya kay Jett? May dalawang taon din ang tanda niya kay Jett. Bigla ko tuloy naalala si Taylor na nahumaling dati kay Josh noong High School days namin. Sabagay, magtataka pa ba ako? Ganun din nga pala si Josh. Attractive sa mas may edad sa kaniya. Eh, ano ba pinagkaiba nila ni Jett? Pangalan lang, I guess. Iisa lang naman ang itsura nilang dalawa. "So, ready ka na bang matawag na Cougar?" narinig kong tanong ni Claire kay Pami, sabay tawa. "Excuse me? Nasa itsura ko ba na mas matanda ako sa kanya? Hindi naman, di ba? I just need to change my wardrobe. Sad to say, I think I need to dress like.... Athena?" Nakatingin man ako sa screen ng laptop ko ay naramdaman kong lumingon sa akin si Pamela at Claire. Nagkunwari na lang ako na hindi ko 'yun napansin. Hindi ako sure kung positive ba o negative iyong pagkaka-mention sa akin ni Pamela ng pangalan ko. Hindi ko alam kung papuri ba iyon o sadyang pasaring lang sa akin. Pero knowing Pamela, mabibilang lang sa daliri na purihin ako nito. Actually, isang beses pa nga lang. Mas marami pa ang pang-iinis niya sa akin. Nawala na ako sa concentration ko sa ginagawa ko. Bigla ay may bumangon na inis mula sa dibdib ko. Kung para saan o para kanino ay hindi ko rin maintindihan. Isinara ko ang laptop, at saka tumayo. Nag-umpisa na akong maglakad nang tawagin ni Pamela ang pangalan ko. "Pamela? Where do you think you're going?" "Bawal na ba'ng mag-CR?" Isang matalim na irap ang isinagot sa akin ni Pamela, pagkatapos ay muling binalingan si Claire. Sana lang pagbalik ko ay wala na sila dito sa loob. "Good morning, Boss!" Nagulat man ako ay hindi ako nagpahalata. Bigla kong isinara, at saka mabilis na itinago sa drawer ko iyong binubuklat kong lumang magasin, kung saan nasa front cover at center fold si Jett kasama si Josh. Naitabi ko kasi ito nung naiwan ni Claire at Pamela sa mini-conference room ng kumpanya. Palibhasa ay ako ang naiwan para magligpit ng mga ginamit namin. Hinihintay ko namang hanapin nila iyong magasin pero hindi naman nangyari 'yun kaya nanatili na lang ito dito sa loob ng drawer ko. Agad akong nag-angat ng tingin sa pumasok. Nakita ko ang nakangiting si Jett habang hawak sa kaliwang kamay niya ang pamilyar na lunch bag. "Kare-kareng bagnet for our lunch!" anunsiyo niya. Our?? Wala sa loob ko na napataas yata ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Nabasa siguro ni Jett sa mukha ko ang pagtataka. "Sorry. Pinagsama na kasi ni Mommy ng lalagyan 'yung para sa 'yo at 'yung para sa 'kin. Masyado namang marami ito pag ipapaubaya ko lang sa 'yo. And besides, favorite ko rin ito. Kaya... nakakahiya naman siguro sa akin kung hindi ako makakatikim," confident na paliwanag niya. Inirapan ko siya. "Andami mo namang sinabi. Next time, huwag mo na akong problemahin sa pagkain ko," sagot ko sa kanya. "Boss, concern lang ako sa 'yo. I noticed that lately.... you are losing weight. Baka lang kasi hindi mo napapansin, boss?" pa-cute na sagot nito. Pinatigas ko ang mukha ko. "Feeling close, Mr. Madrigal?" seryosong tanong ko sa kanya. Nakita kong tila may dumaan na frustration sa mukha niya, pero hindi ako dapat magpa-apekto. Hindi ako kailanman dapat magpa-apekto sa isang Jett Madrigal. Kailangan kong dumistansiya sa kanya. Kahit pa ang ibig sabihin nito ay ang pag-iwas ko kay Hyacinth na best friend ko, at kay Tita Clover na sobrang bait sa akin. "Sorry. But I have a lunch meeting today," sabi ko sa kamya. Bahagya namang kumunot ang noo niya, at tila may iniisip. "Wala namang naka-note sa schedule journal ko, ah" sabi niya "I mean, lunch date." Kung kanina ay frustration, ngayon ay lungkot ang nasa mukha ni Jett sa sinabi ko. Bahagya itong tumango. "O-Okay... I guess mag-isa kong kakainin itong Kare-Kare ni Mommy." "Kare-Kare??" Sabay kaming napalingon ni Jett sa gawi ng pinto. "Pamela!" Kitang-kita ko ang pagbabago ng expresyon sa mukha ni Pamela. Mula sa nakakunot at seryosong mukha nito ay biglang rumehistro sa mukha nito ang pagkagulat. "J-Jett Madrigal??" namimilog ang mga matang tanong nito. Ngumiti si Jett dito na tila kilala niya ang dumating. "At your service, Ms. Ybañez,"bsabi nitya, na may kasama pang bahagyang pagyuko. "Why--- What are you doing here?" Hindi pa ring makapaniwalang tanong ni Pamela kay Jett, na para bang silang dalawa lang ni Jett ang nandito sa kuwarto ko. "Why... I am working here as Ms. Velasquez's Executive Assistant," kaswal na sabi ni Jett, na bahagya pang lumingon sa akin. Parang noon lang na-realize ni Pamela ang presensiya ko kaya tumingin din ito sa akin. "Athena?? Anong kalokohan ito? Didn't you know who this man is? Assistant mo??" may halong inis na tanong sa akin ni Pamela. Ako?? Ako pa ang hindi makikilala si Jett?? "Uhm... I applied for the position myself, Ms. Ybañez," salo ni Jett sa akin. Lumipat naman sa kanya ang tingin ni Pamela. Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Pamela. "And for what reason, Mr. Madrigal? Strategy, Inc. is just a small company compared to your numerous car dealerships..." sagot sa kanya ni Pamela, habang matiim na nakatitig kay Jett na tila pinag-aaralan nito ang katotohanan sa mukha ni Jett. Pero hindi ko kinakitaan ni katiting na pagpa-panic si Jett. There is so much confidence in him nang sagutin niya si Pamela. "Lumaki kaming magkakapatid na puro Sales at Marketing ang environment namin. I want to try the field of ads and campaigns. Probably, next time... sana… if time will permit, I might venture into publishing," kampanteng sagot niya. Nakatitig pa rin sa kanya si Pamela na tila ninanamnam ang mga sinabi nito. Mayamaya ay marahan itong tumango-tango. Akala ko ay tapos na pero nagtanong pa uli ito. "If you are interested with ads and campaigns... why apply to Marketing Department? Somehow, Sales pa rin ang ginagawa nila dito. Looking for clients, closing deals… if you want I can arrange to transfer you sa Production. There, you can learn what you really want to learn," sabi ni Pamela. Umangat ang malayang kamay ni Jett, at saka hinawakan ang ibaba ng kanang tenga niya. Alam ko ang gesture na to ni Jett. Ginagawa lang niya ito kapag nagpa-panic siya. Pakiramdam ko tuloy ay nasukol si Jett ni Pamela. May punto naman kasi ang sinabi ni Pamela. Nakita kong mula sa kaswal na mukha ay nginitian niya si Pamela. "Ms. Ybañez, don't worry. I like here in the meantime. While in this department, I am sure I will be working with the Production department, from there, I can have a sneak peek or idea of their works. Little by little, Ms. Ybañez. Slowly but surely. Mahirap namang tatalon agad ako sa Prod nang wala akong any background of what they are doing," paliwanag niya. "Okay! So that means... magtatagal ka pa sa Strategy, Inc.? If that's what you want, fine. Just tell me if ready ka nang lumipat sa Prod, para I can arrange it myself. Anyway, just call me Pamela," nakangiti nang sagot ni Pamela sabay abot ng kamay nito kay Jett na pinaunlakan naman nung isa. Deep inside, nakahinga rin ako ng maluwag. Alam kong pinaikot lang ni Jett si Pamela. Alam kong gawa-gawa lang niya ang mga sinabi niya. I'm very sure. Ang hindi ko lang sigurado ay ang totoong dahilan ni Jett kung bakit siya nag-apply dito. Ngumiti uli si Jett kay Pamela. Iyong ngiti na lagi kong nakikita sa kanya dati kapag sinusnundo nila ni Josh si Hyacinth sa classroom namin. "No. I prefer to be formal inside the company. Maybe outside the office, I can call your first name. Is it okay?" sagot ni Jett dito, na ikinangiti naman ng todo ni Pamela. For the first time, mula nang makilala ko ang mga Ybañez, ngayon ko lang nakitang ngumiti si Pamela Ybañez nang ganito. At kay Jett Calvin Madrigal lang 'yun! "Anyway, may narinig akong Kare-Kare kanina nang pumasok ako dito?" tanong ni Pamela, sabay tingin sa thermal bag na hawak pa rin ni Jett. "Oh!" Napatingin din si Jett sa hawak niyang thermal bag, pagkatapos ay sa akin. Hindi ko alam kung nagpapasaklolo ba siya kung ano ang sasabihin kay Pamela, o gusto niyang magpaalam sa akin na sasabihin niya kay Pamela ang totoo. "Ah, kasi... May dala kasi akong Kare-Kareng Bagnet. Luto ni Mommy. Isi-share ko sana kay boss Athena," sagot ni Jett, sabay tingin uli sa akin. Ang instinct ko naman ay tingnan si Pamela. Gusto kong makita sa mukha niya kung nahahalata na ba niyang magkakilala kami ni Jett. Pero na kay Jett ang atensiyon niya ngayon. "Really? Luto ng Mom mo 'yan? Patikim naman!" tila excited na sagot ni Pamela. Pakiramdam ko tuloy biglang kumulo ang dugo ko. "Sure! Kaya lang aalis yata si boss Athena? Maybe I can set up the food in some other place---" "Okay lang dito sa room ko!" agaw ko. Hindi ko alam kung napalakas ba ang pagkakasabi ko kasi sabay silang napalingon sa akin. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago uli nagsalita. "Ano.... cancelled kasi 'yung lunch meeting ko. Kaka-text lang." Automatic na nagbaba ako ng tingin sa table ko para hanapin 'yung phone ko pero wala ito sa ibabaw ng mesa. Bahagya pa akong nagulat nang tumunog ang ringing tone nito. Base sa tunog nito ay nasa loob ito ng bag ko na nakapatong din naman sa mesa. "Sagutin mo na yung call, boss. Baka tuloy na uli 'yung lunch meeting mo," sabi ni Jett, habang may nang-aasar na ngiti sa mga labi niya. How dare you, Jett Madrigal! ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD