"Athena! What kind of report is that? Hindi nagta-tally ang mga data mo! Per department, magkakaiba ang figures? Iisang data lang naman ang pinag-uusapan diyan?"
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Ayokong umiyak sa harap ng mga Ybañez. Ayokong makita nila na mahina ako. Lalo na si Pamela.
"Ate, that is Athena's first presentation report. Give her room for adjustment." salo ni Viktor.
"At hanggang kailan dapat mag-adjust? Six months na siya sa Strategy, Inc.. And those were only simple figures. Ilang views... reach... paano mo na-compute ang ad performance niyan kung mali-mali naman ang figures mo?" malumanay pero may diin na sabi ni Pamela.
Gusto kong manliit. Pakiramdam ko ay personal na inis ang nararamdaman sa akin ni Pamela at hindi ito pa-tungkol sa trabaho lang.
Napapa-isip na tuloy ako ngayon kung tama bang tinanggap ko ang alok na ito ni Papa sa akin. Dapat siguro ay hindi na ako sumugal. Nagkasya na lang dapat ako sa simpleng buhay meron kami ng Mama.
"This is just Athena's first try. Don't expect na perfect na agad!" sagot ni Papa.
Nahalata ko sa boses ni Papa iyong willingness niyang maipagtanggol ako, at sapat na sa akin iyon.
"Where did you get your figures, Athena?" kalmadong tanong ni Leandro, habang nakatingin sa LED monitor, kung saan naroroon ang mga ini-report kong mga datos.
Hindi lang siya basta nakatingin. Parang pinag-aaralan niya ang mga numerong naroroon.
"Sa-- Sa mga Department Heads," maikli kong sagot.
"And you didn't bother to study the figures submitted to you?" si Viktor 'yun.
Bago pa ako makasagot ay inunahan na akong magsalita ni Pamela.
"Hah! Kung ginawa niya 'yun, eh di dapat tama 'yang report niya," sabi nito, sabay ibinaba ang screen ng laptop ko, dahilan para wala nang makita sa LED monitor. Kahit si Leandro na matamang nakatitig pa rin sa mga numerong naroroon, at parang pinag-aaralan iyon ay nagulat sa ginawa ni Pamela.
Gusto kong manliit. Gusto kong tumayo na lang bigla, at tumakbo palabas ng mansiyon na ito. Tutal, nasa labas naman si Caesar, ang assigned driver sa akin, at naghihintay. Anytime, makakaalis at makakalabas ako sa gate nila.
"There's no need na magtaas ng boses, Pamela. Athena is just a newbie. Pwede mong sabihin 'yan sa kanya in a proper way. She's still vulnerable and needs guidance. Ikaw ang pinakamatanda sa magkakapatid. I trained you. So dapat, ikaw naman ang magtuturo sa kanilang lahat," saway ni Papa kay Pamela.
Tumahimik si Pamela. Nagtataka ako kaya pasimple akong tumingin sa kanya. Baka kasi lalo niyang ikagalit ang panenermon sa kanya ng Papa nang dahil sa akin. Ang anak ng Papa niya sa ibang babae.
Namangha ako sa nakita kong Pamela. Hindi mo ito kakikitaan ng anumang emosyon sa mukha. Kahanga-hanga. Paanong alisin ang emosyon sa mukha? Nang bawiin ko ang tingin ko kay Pamela ay nahagip naman ng tingin ko si Mrs. Ybañez. Ayun na naman ang tingin niya sa akin, na para bang pinag-aaralan niya ako. Lagi ko siyag nahuhuling ganito.
"Don't worry, Pamela. I myself, will rigorously train Athena sa ins and outs ng company ,para naka-align siya sa atin," narinig kong sabi ni Papa kaya napalingon ako sa kanya.
"No! Let me do it, Papa. Ako ang tututok kay Athena," agaw ni Pamela na matiim na nakatingin sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Pamela.
"Be gentle to Athena, Ate Pamela. Don't be an executioner," nangingiti-ngiting sabi ni Viktor na bihirang-bihirang magsalita sa tatlo. More on the observant type kasi si Viktor.
Tinaasan naman ito ng kilay ni Pamela.
"Of course, I will be gentle! Bakit parang I'm sort of a monster sa pagkakasabi mo ng 'be gentle', little brother?" sabi dito ni Pamela.
Nagkibit-balikat si Viktor. Kalmado lang ito, habang si Pamela ay halatang naiinis sa kanya.
"It's just... hndi naman natin siya kasamang lumaki, so she doesn't know you well..." kaswal na sagot ni Viktor, sabay inom ng fresh orange juice niya.
"Well..." sagot ni Pamela, at saka tumingin sa akin.
"Makikilala na niya ako ngayon. Makikilala na niya kung sino si Pamela Ybañez," dagdag pa nito, na nakapagpabalik sa kaba ko.
Bahagya pa akong nagulat nang hawakan ako sa balikat ni Papa, at saka marahan niya itong pinisil.
"Don't worry, iha. You're in good hands with Pamela. Trust me..." sabi niya sa akin.
Nagdududa naman akong tumingin kay Pamela. Nagkasalubong ang mga tingin namin ni Pamela. Ang tingin niya sa akin ay tingin na naghahamon. Puwes, hindi ko siya uurungan. Isa rin yata akong Ybanez!
"THAT will be the end of my report," anunsiyo ko , at saka bumaling kina Papa.
Nakahilera silang lahat sa likod ng mesa at nanonood sa presentation ko. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga mukha nila. Nabalot ng kaba ang dibdib ko nang walang tuminag maski isa sa kanila. Pakiramdam ko, tumigil ang ikot ng mundo ko ngayon.
Mayamaya ay nakita kong tumatango-tango si Papa habang nakatingin sa printed report na hawak niya pero hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Pakiramdam ko ay may asido na umakyat sa sikmura ko. Nakaka-tense ang ganito.
Pinanghihinaaan na ako ng loob, kaya napagpasyahan ko na simulan na ang pagliligpit ng mga gamit ko. Anuman ang marinig kong mga masasakit na salita mula kay Pamela, ay nakahanda na akong umalis ano mang oras.
"Impressive!"
Napahinto ako sa paglalagay ng printed copy ng report ko sa loob ng messenger bag na dala ko. Tama ba ang narinig ko?
Bigla akong nag-angat ng tingin. Nakita ko si Kuya Leandro na malapad na nakangiti sa akin. Pagtingin ko sa katabi niyang si Viktor ay nakangiti din ito sa akin at nag-thumbs up pa.
Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti ko sa positibong reaksiyon ng dalawang kapatid ko. Pero bigla kong pinigil ang ngiti ko nang maalala ko si Papa, Mrs. Ybanez, at lalong-lalo na si Pamela.
"Very good, iha!"
Nilingon ko si Papa at saka tipid na ngumiti sa kanya.
"Thank you po," kiming sabi ko.
Katabi niya sa kaliwa si Mrs. Ybañez, at sa kanan naman si Pamela. Biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko nang tingnan ko si Pamela. Sa lahat ng tao sa kuwarto na to, si Pamela ang pinaka-dapat kong ma-impress.
Gusto kong makuha ang buong tiwala ni Pamela, para ibigay na niya sa akin nang buo ang Strategy. Iyun lang ang meron ako. Iyun lang ang pwede kong ipagmalaki na pwede din akong matawag na isang Ybañez. Kapag maituturing ko nang ako at ang Strategy, Inc. ay iisa.
Tumingin sa akin si Pamela. Nakipagsukatan ng tingin. Akala ba niya ay ako pa rin ang dating Athena na magbababa ng tingin sa kanya? Ngayon pa na naumpisahan nang mabuo ang kumpyansa ko sa sarili ko? Alam kong kaya ko na ring sumabay sa kanila na mga tunay na Ybañez.
"You're such a fast learner..." walang gatol na sabi ni Pamela, na wala pa ring emosyon ang mukha.
Hindi man tahasang pagpuri sa ginawa kong report, pero napakalaking bagay na nung sinabi ni Pamela bilang isang metikulosa pagdating sa trabaho.
Bahagya akong tumango sa kanya bilang pag-acknowledge sa sinabi niya.
"Well... now, it proves na may dugong Ybañez ka nga," dagdag pa nito, na ikinataba naman ng puso ko.
Those words coming from Pamela Ybañez's mouth? Oh my!
Lihim na nagsaya ang kalooban ko. Pigil na pigil akong ipakita iyon sa kanilang lahat.
"Or... gusto mo lang talagang patunayan sa amin na hindi ka lang isang Ybañez sa apelyido?"
Natigil ako sa pagsasaya sa tinutumbok na mga salita ni Pamela. Na-impress ko ba talaga siya sa ginawa ko o hindi? Alin ang totoo?
Well, may gusto ka mang patunayan.... it doesn't matter anymore. I think it's natural in you. Isa pa, Ybañez ka nga, eh. That explains..." sabi pa niya, at saka tipid na tipid na ngumiti.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, sa mga sinasabi ni Pamela. Nako-confuse ako kung ano ba talaga ang gusto niyang iparating sa akin.
"Paano ka nakapasok sa DOT, sis?" tanong naman ni Viktor.
"Nakita ko lang sa sss page nila na naghahanap sila ng ka-tie up for the concept and execution ng mga TV ads nila for the tourism campaign ng bansa, so nag-submit ako ng proposal immediately," sagot ko.
"Hay nako..."
Lahat kami ay napako ang tingin kay Pamela. Masarap naman ang ulam namin kanina. Bakit itong si Pamela ay hindi yata nagustuhan ang ulam? Ano na naman ang kaya ang pasabog niya this time?
"First bigtime client mo, magastos pa. I'm sure, ang laki ng expense mo diyan. Imagine, magbi-bid ka pa. Ilang advertisers naman kayong kasali sa bidding? And then you need to buy bidding docs... then submit various requirements... After nun, cast and crew naman. Tsk! Ubos pera na, ubos oras pa."
"It's okay, Pamela. Exposure din naman sa Strategy yun. And besides, one-year contract naman so may sigurado kang four projects with them in one year. Not bad for a beginner like Athena. Mahirap kaya makapasok sa government pag wala kang backer," salo ni Papa.
Nagkibit-balikat naman si Pamela.
"Well, what can I say? That's a good start for now," sabi nito.
Pinigil ko ang sarili kong pumalakpak sa binitiwang salita ni Pamela. Kahit papaano ay positibo naman ito sa project ko.
"But don't expect na pababayaan na kita sa Strategy. I'll still be there to watch you," balik-istrikta na naman nitong sabi.
Pamela is three years older than me. Pero parang ang lawak na ng experience niya pagdating sa negosyo. Parang ang tanda na niya mag-isip. So advance for her age. I guess, dahil sa siya ang panganay? Bata pa lang siguro ay nate-train na sa mga pasikot-sikot ng negosyo. Plus the fact na matalino ito. Proof ang mga medals niya na nakita kong naka-display sa isang corner sa family room nila.
Actually lahat namang silang tatlo ay may kanya-kanyang medals at kanya-kanyang space doon sa family room. Pero pinakamaraming medals si Pamela. She's such an achiever. Sana ako din...
Isang factor din siguro na puro magaganda at de-kalidad ang pinasukan niyang eskwelahan. Ako? Kung hindi siguro ako masipag mag-aral, hindi ako mage-excel.
"When will be the contract signing with DOT, iha?" tanong ni Papa.
"I will let you know, Papa. They will let me know as soon as my contact there confirms the availability of the Secretary and the Under Secretary. Once confirmed, we will have one more presentation, actually for formality na lang po iyon, then contract signing na with the press."
"Okay, iha. Let me know as soon as possible. May press pala. So dapat, makapagpa-trim ako ng buhok," nakangiting sabi ni Papa, sabay hinagod-hagod ang buhok niya.
Nakita ko namang nagtaas ng isang kilay si Mrs. Ybañez.
"Wala nang magkakagusto sa 'yo, Arnulfo. May edad ka na. Kulubot na ang balat mo!" mataray na sabi ni Mrs. Ybañez kay Papa.
Bigla naman siyang inakbayan ni Papa.
"Eto naman... magpapagupit lang 'yung tao, magkakagusto na agad? I just want to look good on television," nakangiting sabi ni Papa kay Mrs. Ybañez, habang masuyo siyang nakatingin sa kanya.
Matalim na inirapan ni Mrs. Ybañez si Papa.
"Sa tingin mo, maniniwala ako? Pagkatapos mong dalhin dito sa bahay si Athena?" mabilis akong sinulyapan ni Mrs. Ybañez, dahilan para mapayuko.
Hindi ko naman minamasama ang sinabi ni Mrs. Ybañez, totoo naman kasing nagkaroon ng kasalanan si Papa at Mama sa kanya. Nahihiya lang ako sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kampanteng kaharap siya. Pakiramdam ko kasi, sa tuwing nakikita ako ni Mrs. Ybañez, naaalala niya sa akin ang ginawang kataksilan sa kanya ni Papa.
"Darling, let's move on... matagal na 'yun. Ito naman..." malambing na sabi ni Papa, sabay halik sa balikat ni Mrs. Ybañez.
"Hay naku, Arnulfo. Hindi na ako magugulat, kung may dumating dito sa bahay na may dala-dalang bata!"
"Wala na, darling... isang beses lang 'yun. Kasi ikaw, iniwan mo ko eh, nalungkot tuloy ako..."
"What? So now you're blaming me?" inis na tanong ni Mrs. Ybañez.
"Ma, Pa. Pwede ba? Don't talk about your personal issues here. We are in a meeting right now. Ang Strategy ang concern natin ngayon," seryosong sabat ni Pamela.
Tiningnan ni Papa si Pamela.
"You know what, Pamela? You really need a boyfriend ASAP. Para magkaroon ka naman ng sweetness sa katawan."
Sasagot sana si Pamela, pero hindi na natuloy dahil sa pagtawa ni Leandro at Viktor. Binalingan sila ni Pamela.
"You two, shut up..."
~CJ1016