CHAPTER 9 - STICKY NOTE

2093 Words
"So, you are Athena...." Sinalubong ko ang tingin nung nagsalita. Siya marahil si Pamela Ybañez. Ang panganay na anak ni Papa. Bahagyang-bahagya lang akong tumango. Pakiramdam ko nga, hindi niya halos nahalata ang pagtango ko. Mataman lang itong nakatingin sa akin. Ni hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya, kung ano ba ang tingin niya sa akin ngayon. Pakiramdam ko kasi ay inuuri niya ako sa klase ng tingin niya sa akin. Hindi ko natagalan ang titig niya sa akin, kaya nagbaba ako ng tingin. "Magaganda at guwapo talaga ang mga Ybanez," narinig kong sabi. HIndi ko alam kung sino ang nagsalita nun kaya nag-angat na ako ng tingin. Marahil ay si Leandro Ybanez ang nagsabi nun, kasi ay nahuli ko siyang nakangiti, habang nakatingin sa akin. HIndi ko naman alam kung ano ba ang dapat na rekasiyon ko sa sinabi niya. Kasali ba ako sa sinasabi niyang mga Ybanez? "Hey, my dear Ate and brother, you are scaring her..." Napalingon ako sa ngasalita. Si Viktor, ang bunso sa tatlo. So, it means si Leandro nga ang nagsalita kanina. Ngayon ko lang naisip. Kaya pala PLV Shipping ang pangalan ng isang kumpanya nila. Kuha sa mga initials ng pangalan ng magkakapatid. Tila naman may munting kurot akong naramdaman sa dibdib ko. Nung sabihin ni Papa na dadalhin niya ako at ipapakilala sa pamilya niya ay nag-research ako nang todo ng tungkol sa kanilang lahat. Nalaman kong si Pamela ang namamahala ng PLV Shipping. Samantalang si Leandro naman ang nakatutok sa A.Y. Products, importer ng mga medical products. At si Viktor ay isang taon lang ang tanda sa akin, at nagsisimula pa lang na pag-aralan ang mga negosyo nila. Binalingan ako ni Victor. "Come, sis. Pasok ka na." "G-Good evening po...." atubili kong sabi, sabay yuko uli ng ulo. "Tara na, iha. Maupo ka na," narinig kong sabi ni Papa. Nag-angat ako ng tingin, at saka nag-umpisa nang maglakad papunta sa mesang kainan. Kumpleto na silang lahat na nakaupo doon. Nasa kabisera ng mahabang mesa si Papa. Sa kanan ni Papa nakaupo ang asawa niya at si Pamela. Sa kaliwa naman ay si Leandro at Viktor. Naglakad na ako palapit sa mesa, at minabuting tabihan ang nakangiting si Viktor, kaysa kay Pamela, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabasa kung ano ang nasa isip niya. "Ang sabi ni Papa ay naka-graduate ka na. Ano nga'ng natapos mo?" tanong ni Pamela, pagkaupo ko pa lang. "Ahm..." lumunok ako. Tunay na nakaka-tense si Pamela Ybanez. "Bachelor of Arts in Communication and Media Studies." Nakita ko na bahagyang tumaas ang isang kilay ni Pamela. "Kaya nga balak ko siyang ilagay sa Strategy. She fits perfectly there," sabi naman ni Papa. "What??" gulat na gulat na sabi ni Pamela. Binalingan niya si Papa. "Sa akin mo iyon ibinibigay dati, 'Pa..." reklamo ni Pamela. "Ikaw na nga ang maysabi. Dati. So, bakit hindi mo hawak ang Strategy ngayon? Kasi ayaw mo dati. Saka, do you think, you can handle PLV and Strategy at the same time? Ngayon pa nga lang loaded ka na sa PLV," sagot sa kanya ni Papa. Napaawang ang mga labi ni Pamela, na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ng Papa. Nagkunwari na lang akong busy sa pagkain. Naiilang ako sa usapan nila na damay ako at para bang wala lang ako sa harapan nila kung pag-usapan. "Time management lang 'yun, Papa. Makakaya ko rin 'yun. All I need then is a little more time. Now...I think I can manage both." This time, it"s Arnulfo Ybanez's time to raise an eyebrow to Pamela. Para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Pamela. "Bakit hindi na lang doon sa door-to-door courier mo ilagay si Athena?" iritadong suggestion ni Pamela. Sa totoo lang, ayoko ng ganitong pinag-uusapan nila ako nang harap-harapan. Nakakailang. Wala sa loob ko na napatingin ako kay Mrs. Ybanez. Nakita ko itong nakatingin sa ain na tila ba tinitingnan ang reaksiyon ko sa nangyayari ngayon dito sa dinner nila. Nakakahiya tuloy sa kaniya. "Mas bagay si Viktor dun." Narinig kong sabi ni Pamela. Napatingin ako kay Papa. Pinupunasan niya ng table napkin ang isang sulok ng bibig niya. "Binabawasan kita ng load, dahil ang gusto ko sa yo 'eh planuhin mo na ang buhay may-asawa. Look. How old are you? And yet, you're still single. Do me a favor and go date with some good guys out there. Huwag mong ubusin ang oras mo sa mga negosyo natin. May mga kapatid ka pa naman dito na tutulong. And the latest addition is Athena." Sinulyapan ako ni Papa, kaya agad akong napatingin kay Mrs. Ybanez. Hindi ko alam kung ano ang komento niya sa bagay na 'to. Hindi naman ako legal na Ybanez. Nagtama ang tingin namin, pero nagbaba rin ito agad ng tingin sa plato niya, sabay kumutsara ng pagkain mula roon. "Andiyan naman si Li para bigyan ka ng apo. May balak na 'yang mag-propose kay Priss," katwiran ni Pamela, sabay nguso niya sa natatawang si Leandro. Agad na nanlaki ang mga mata ni Leandro sa sinabi ni Pamela. "Bakit sa akin mo binibigay ang pressure? Kahit na mag-propose ako kay Priss hindi naman kami magpapakasal agad. May balak pang mag-take ng Masters Degree si Priss next year," sagot naman ni Leandro na sinimangutan ni Pamela. "Master's Degree pa, mag-aasawa lang din naman siya," komento ni Pamela, sabay subo ng pagkain. Pagkatapos ay muli niyang binalingan si Papa. "Papa. Please...." "Overseeing ka pa rin naman sa Strategy, until kaya nang mapag-isa ni Athena doon." "Po?" Napalunok ako sa sinabi ni Papa, kahit wala namang lamang pagkain ang bibig ko. Tiningnan ako ni Athena, pero agad ding nagbawi ng tingin. Muli niyang nilingon si Papa. "I doubt it, Papa. Newly grad lang si Athena. No experience. Paano niya---" "Enough, Pamela. May tiwala ako kay Athena. Katulad ng pagtitiwala ko sa inyong tatlo. After all, isa siyang Ybañez." Tumingin uli sa akin si Pamela. Again, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Better be sure that you can make Strategy on the top." Mukhang ako ang pinapatungkulan ni Pamela, kaya napilitan akong tumingin sa kanya. And there, sa akin nga siya nakatingin. "Dahil kung sakaling bumagsak ang Strategy, I will do my best para maiahon ito. Pero iiwanan kita sa kinabagsakan mo. Mark my word, little sister... we are talking here of business at hindi laro-laro lang," kalmadong sabi nito pero may angas. "Don't scare her, Ate Pamela," salo ni Viktor. "I'm sure hindi siya pababayaan ni Papa sa Strategy," habol pa nito. "Marami nang loyal clients ang Strategy, iha." pagsingit ni Mrs. Ybañez sa usapan, dahilan para mapatingin ako sa kanya. "I hope madagdagan pa, iha. Hindi mabawasan." "Y-Yes, Mam," sagot ko. IPINARK ko ang sasakyan ko malapit sa pinto ng mansiyon ng mga Ybañez. Pinatay ko na ang makina ng sasakyan, at saka bumuga ng hangin na para bang kapag ginawa ko iyon ay agad mawawala ang kabang nararamdaman ko. Pinauwi ko na si Ceasar at hindi na isinama dito sa bahay ng mga Ybañez. Kung anuman ang resulta ng pagpunta ko rito, gusto ko ay ako lang ang makaalam. Ayokong mapahiya kay Caesar. Pero bakit kanina ay muntik ka nang umoo kay Jett na samahan ka? Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko si Jett. Ayokong maging komportable sa kanya kaya pinipilit kong maging malayo ang loob ko sa kanya. Alam kong kung isasama ko siya ay masasalo niya ako sa anumang kapalpakan na mangyayari sa akin kung sakali. Aware naman akong sa ilang taon na pagma-manage niya sa isang branch ng car dealer ng mga Madrigal ay may nagawa na siya para sa kumpanya. After all, they were all well trained to manage their business. Silang tatlo ni Josh at Ate Cassandra. I wonder kung sino ang nagpapatakbo ng iniwang branch ni Jett ngayon. Si Josh kaya? Kawawa naman siya. Bagong kasal pa man din sila ni Hyacinth. Anyway, anuman ang motibo ni Jett sa pagpasok kumpanya namin, alam kong hindi rin siya magtatagal doon. Aalis at aalis siya, at iiwan ako uli. Katulad ng ginawa niya seven years ago... Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. Kung saan-saan na napupunta ang takbo ng isip ko. Baka mamaya, wala akong masabi sa presentation ko sa mga Ybañez. Ipinilig ko ang ulo ko, para mawala sa isip ko ang imahe ni Jett. Pilit kong ipinasok sa isip ko iyong mga unang sentences na sasabihin ko para mamaya. Kaya ko to... Ilang beses ko na rin namang nakasalamuha ang pamilya Ybañez pero naiilang pa rin ako sa kanila lalo na kay Pamela at Mrs. Ybañez. Sa mahigit isang taon ko sa Strategy, Inc., hindi iilang beses na bumisita ang mag-inang Sylvia at Pamela doon. Lalo na si Pamela. Nakasubaybay ito lagi sa akin sa Strategy. Mula sa mga reports ko, hanggang sa mga pera at pondong nire-request ko. Hindi ko alam kung gusto lang talaga niyang makita kung nasa tamang daan ang kumpanya nila o naghahanap lang siya ng maibubutas sa akin. So far, wala pa naman siyang maibutas sa akin. Sa buong isang taon ko sa kumpanya, doon ko ibinuhos ang oras at panahon ko. Nilayuan ko ang social media. Iniwan ko ang social life ko. Ultimo si Mama ay bihira na rin kaming magkita at mag-usap na mag-ina. Iyon ay dahil sa ayokong may masabi ang mga kapatid ko sa ama ko. Gusto kong magkaroon ng halaga sa pamilya nila. Maging ganap na Ybañez hindi lamang dahil sa apelyido ng ama ko, kung hindi dahil sa nagawa ko sa Strategy. Lumingon ako sa main door ng mansiyon. Nakasarado pa ito. Pero alam kong alam nila na dumating na ako dahil narinig ko nang iniradyo kanina nung Security Guard sa main gate. May apat na gate kasi itong mansiyon ng mga Ybañez. Malaki kasi itong mansiyon. Sakop nila ang apat na lote dito sa subdivision na ito. Sa tuwing may lalabas na miyembro ng pamilya, sa iba-ibang gate sila dumadaan, for security purposes daw. Ganun din kapag may papasok sa loob. Kinuha ko na ang mga gamit ko na nakalagay sa passenger seat sa tabi ko. Iyong bag ko, 'yung laptop ko, kung saan nandoon iyung reports at presentation ko para sa Department of Tourism project, at 'yung brown envelope, kung saan naman nakalagay ang kontrata ng Strategy, Inc. with the Department of Tourism. By hook or by crook, kailangang mapa-pirma ko ang Chairman dito, si Papa. Pag-angat ko sa envelope ay may napansin akong sticky note na nakadikit doon. Inaninag ko kung ano 'yung nakasulat doon. Binuksan ko pa yung overhead light ng kotse para mabasa ko. Boss, Keep calm and relaxed. I know you can do it! Jett Parang may humaplos na kung ano sa puso ko pagkabasa ko dun. Pero pinilit kong balewalain iyon. Hindi ako pwedeng magpa-apekto kay Jett Madrigal! Agad kong kinuha 'yung sticky note, at saka nilamukos ng super liit, at saka iniwan doon sa upuan. Isinukbit ko na ang bag ko at saka tangan sa isang kamay ang laptop at brown envelope na bumaba ako mula sa sasakyan. Full of confidence akong naglakad patungo sa main door kahit pa deep inside ay kinakabahan ako. Ilang hakbang na lang patungo sa main door ay bigla itong bumukas. "Iha...what took you so long? Kanina ka pa namin hinihintay sa loob," salubong sa akin ni Papa. "S-Sorry po. May--- May kinausap lang po ako sa phone," sagot ko nang makalapit ako sa kanya. Bago pa ako makahalik sa pisngi niya ay nayakap na niya ako nang mahigpit na para bang sabik na sabik na niya akong makita. "Tara na sa loob! Gutom na gutom na ko. Ang tagal mong dumating," sabi nito, na agad nang bumitiw mula sa pagkakayakap sa akin. Agad ako nitong iginiya papunta sa dining room ng bahay na para bang hindi ko alam ang pagpunta doon. Pagpasok namin doon ay kumpleto na silang nakaupo at ako na lang ang hinihintay. "Oh, Athena? Kailangan ka pa talagang sunduin ni Papa sa labas? Alin sa dalawa - you're not ready with your presentation or sadyang alam mong hindi ito papasa sa amin?" poker face na komento ni Pamela pagkakita sa akin. "Mamaya na yan... let's eat first, Athena. Magpakabusog ka muna bago namin i-sentence 'yang project mo," nakangiti namang sabi ni Leandro. Pagbaling ko kay Viktor ay nakangiti lang ito sa akin na para bang sinasabing 'Don't mind them.' Palihim akong bumuntonghininga, at saka naupo na sa tabi ni Viktor. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD