"Nice, Athena! Very good! For sure, pag-uusapan din ang isang ito, at tatatak sa isip ng mga tao. Lalo na sa racing world," masayang pagbati sa akin ni Aldrtzh. Ngayon kasi ang anniversary ng F1 Racing Club, at ito ang final celebration nila. Bale one month celebration ito, at sa buong isang buwan na iyon ay kasama ang Strategy, Inc. sa mga ads at campaigns nila, na siyempre ay kami ang gumawa. At ngayon nga ang pagtatapos ng isang buwan na selebrasyon ng grupo nila, kung saan si Aldrtzh ang preside. "Dugo at pawis ang puhunan diyan, Aldrtzh," pagbibiro ko. "Dugo at pawis ni Madrigal?" tapos ay binuntutan ng tawa ni Aldrtzh iyong sinabi niya Sinimangutan ko siya. "Akala ko ba kakampi kita?" "Oo naman, Athena. You are special to me. Hindi ko iyan itatanggi. Pero hanggang doon l