"It is with these in mind that I pronounce you husband and wife." Tapos na ang seremonyas ng kasal. Kasal na ako sa lalaking nasa tabi ko. Pero mukhang hindi pa tapos si Mayor. "Alam kong… ilang beses na kayong… nag-ano…" Huminto sa pagsasalita si Mayor Magtanggol or Magi for short. Makahulugan niya kaming salitang tiningnan ni Jett. Napalunok ako. Ano ang ibig niyang tumbukin? Na ilang beses na kaming nag-DO ni Jett? Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga at totoo, pero kailangan ba naming aminin ni Jett sa kanya? Oo nga at apat lang kami dito sa opisina niya, kasama ng secretary niya bilang witness namin ni Jett, pero pribadong bagay namin ni Jett iuin, di ba? "I mean, ilang beses na kayong… nag-kiss. You may have kissed a thousand times or more…" Palihim akong napabuga ng hangin sa