CHAPTER 27 - VILLA

2024 Words

Nasa kama kami ni Hyacinth habang nagkukuwentuhan. Nakasandal kami pareho sa headboard ng kama nila. Habang si Jett at Josh naman ay nasa paanan ng kama at nakatutok sa screen ng TV dahil naglalaro ng video games. Mabuti naman. Pabor sa akin iyon dahil naiilang ako kapag nagkakatinginan kami ni Jett. At ayoko ring mahalata ni Hyacinth na may ilangang nagaganap sa aming dalawa ni Jett, dahil napakabilis makahalata nitong kaibigan ko na ito. Kapag nagkataon, katakot-takot na tukso na naman ang gagawin niya. In fairness, maganda itong villa ng mag-asawa. Beige at light gray ang color motiff ng pintura nila pati na ang mga gamit at kasangkapan. Ano pa nga ba ang aasahan mo? Pag-aari ng mga Madrigal ang resort na ito, ang pamilyang may hindi mabilang na car dealership sa bansa. Walang pwedeng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD