Ipinagpipilitan ni Tita Clover na lumipat na ako sa villa ng mga Madrigal. Kesyo mag-isa na lang daw ako dito sa building kung saan ako nananatili. "Okay lang po ako doon sa room ko, Tita..." katwiran ko naman. Tama na iyong kasama ako sa family gathering nila. Pero iyong sasama pa ako sa isa mga kuwarto nila sa villa nila, sobra na iyon. "Are you sure, iha?" tanong pa ni Tita Clover, "mag-isa ka lang dun sa hotel," kita ko pa ang pag-aalala sa mukha niya, Tumango ako, "yes po. Okay lang po ako doon. Matutulog lang naman po." "Ay, friend... magkukuwentuhan pa naman sana tayo mamaya after ng dinner natin," nakanguso namang singit ni Hyacinth. "Okay lang naman, mag-stay muna ako sa inyo, tapos lilipat na lang ako sa room ko." Nagkibit-balikat naman si Hyacinth. "Sabagay, nandiyan