Palihim akong bumuntonghininga nang matapos na ang pananghalian kasabay ng mga Madrigal. Parang hindi naman ako nabusog sa kinain ko. Bukod sa nahihiya ako na isinali nila ako sa pananghalian ng pamilya, parang hindi ko rin malasahan ang mga pagkain sa paraan ng pagtingin sa akin ni Pamela sa buong oras ng pananghalian namin. "So, Pamela... uuwi na ba kayo niyan?" tanong ni Tita Clover. Ibinaba ni Pamela ang hawak niyang tasa na may lamang mainit na tsaa, at saka ngumiti kay Tita Clover. "Um... yes, Mam! Uuwi na kami nila Claire at Athena if they are already ready to go." Pasimple akong sinulyapan ni Pamela na para bang sinasabing - "get ready later, Athena..." Ngayon pa lang nai-imagine ko na kung paano niya ako gigisahin mamaya sa sasakyan niya. No choice naman ako kung hindi suma