"Jett!!!" "Boss? Bakit? Ano'ng nangyari?" Tapos ay nakita kong sumindi ang ilaw sa banyo namin dito sa kuwarto. "Ano'ng ginagawa mo diyan?" malakas kong tanong para siguradong maririnig ako ni Jett. Bigla akong nakarinig ng tunog ng flush ng toilet bowl. Nakabukas kasi ang pintuan, kaya dinig na dinig ko. Pagkatapos ay namatay na ang ilaw. Saka naman iniluwa ng pinto si Jett. "Umihi lang ako, boss," paliwanag niya, habang naglalakad siya palapit sa kama namin, "nanaginip ka ba?" "Hindi" malumanay kong sagot. Aktong sasampa na si Jett sa kama nang pigilan ko siya. "Wait." Agad namang napahinto si Jett sa pagsampa, pero nakapatong na sa kama ang isang tuhod niya. "Umihi ka ngayon?" "Oo." "Hinugasan mo ba 'yan?" tanong k9, sabay tingin sa pagitan ng mga hita niya. Alanga