Nakarinig ako ng katok sa pintuan. At dahil busy si Jett na magluto ng hapunan namin, ako na ang nagbukas ng pinto. "Surprise!" Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong tao sa labas ng pinto. "M-Mommy Clover?" Umikot ang mga mata ni Mommy Clover, "finally! Narinig ko rin sa iyo na tinawag mo akong Mommy…" Agad akong humalik sa pisngi niya. "Bakit di po kayo nagsabi na dadating kayo? Eh di sana, nasundo namin kayo ni Jett." "Huwag n'yo akong intindihin. Marami akong kaibigan dito na willing sumundo sa akin isang tawag ko lang. Oh, kumusta na kayo dito?" Pumasok na siya sa loob ng bahay, kaya isinara ko na ang pintuan. "Boss? Sino'ng kausap mo– Mommy?" "Hesusmariosep! Son? Ano 'yan?" Natigilan din si Jett. Nakasuot ito ng apron at may hawak na sandok sa isang kamay. Mabuti