["Ay… ang cute!"] ["Oo nga! Female version ni Jett!"] Narinig kong komento ni Hyacinth at ni Ate Cassandra. Kapapanganak ko lang kahapon at naka-video call kami sa group chat ng pamilya Madrigal. Pihadong pumapalakpak na naman ang tenga ng asawa ko sa mga komentong naririnig niya. "Malamang! Eh, itong si Jett kaya ang pinaglihian nang todo ni Athena!" Si Mommy Clover ang nagkomento nun. Lumipad sila dito ni Daddy Judd bago ang due date ko. Narinig ko namang nagtawanan ang mga nasa video call. Si Jett ang ang may hawak ng cellphone at nagvi-video sa anak namin. "Sulit ang lahat ng sakripisyo ko!" Masayang singit ni Jett. Nakukulili na nga ang tenga ko dahil kahapon pa siya paulit-ulit ng pagsasabi na siya ang kamukha ng baby namin. ["Ganun talaga. Hindi pwedeng puro sarap tayong