[“Ayieeee!!! Engaged na sila!"] Napangiti ako kahit hindi naman nakikita ni Hyacinth. Magkausap kami sa telepono ngayon via video call. Pero wala naman si Hyacinth sa harap ngayon ng telepono niya. Hindi na kasi ako pumasok sa Strategy. Tinanghali na ako ng gisiing. Nag-usap pa kasi kami ni Jett pagdating niya sa condo niya. "Hindi ba sinabi ni Jett sa inyo bago siya magpo-propose kahapon? Teka nga, tatawag ka nang naka-video, tapos hindi ka naman nagpapakita sa screen. I-off ko na 'tong video." ["Tsk! Nahihiya kasi ako sa 'yo. Ang taba-taba ko!"] Pagkatapos ay bigla na siyang sumulpot sa harap ng cellphone niya. "Sus! Asan ang mataba diyan?" Yes. It's true. Hyacinth gained weight. But not that much. Pero ayaw ko namang dagdagan pa ang isipin niya. Anyway, it's normal naman sa mg