CHAPTER 37 CONT... 3rd Person POV “Grandma?” gulat na wika niya kaya nilapitan niya ang matanda. “Hija, mabuti at nandito ka?” “Ah... kasi po nag-usap kami ni Tito tungkol sa ia-assign niyang posisyon sa kompanya para sa akin.” “At anong posisyon naman ‘yon?” “CFO po.” “Wow! That’s great! Pagbutihan mo, hija, ha?” “Salamat po. Uhmm. Akala ko po nasa US na po kayo?” tanong ni Vivian dahil ang huling balita nito ay nasa Amerika na ang lola. “Boring sa US, hija. Saka mas masaya tumira dito sa Pilipinas dahil andito ang alaala namin ng lolo mo.” “Ah...gano’n po ba? Kung sabagay po saka nalibot mo na ata buong Amerika, eh,” pabirong sabi ni Vivian dito pagkuwan ay napansin niya ang hawak nito sa palagay niya ay isang album. “Ano po ‘yan?” pagturo ni Vivian sa hawak nito. “Ito ba?”