This chapter is dedicated to Mikasa, thank you for reading *** CHAPTER 22 DAHLIA'S POV KASAMA KO sina Jayden at Nanay Elsie sa grocery store dahil unang sahod ko ngayon bilang secretary. Nang matapos kaming mag-grocery ay dineposit muna namin ang mga gamit namin para ipasyal ko sila dito sa Mall of Asia. "Ang laki pala talaga ng MOA no? Sa TV ko lang kasi ito nakita, eh," manghangang tanong ni Nanay Elsie sa'kin habang tintulak ang stroller ni Jayden. "Oo naman! Isa ito sa pinakamalaking mall sa Pinas," tugon ko sa kaniya dahil first time ni Nanay Elsie makapunta dito. Wala siyang time sa ganito dahil puro trabaho ang ginawa niya para lang may makain ako noon. Naging single mom siya nang iwan kami ni tatay noong anim na taon pa lang ako, kaya pinangako ko sa sarili ko na suklian an