This Chapter is dedicated to Cris Afliccion Bendol, thanks for reading sis! ** CHAPTER 23 DAHLIA’S POV TAHIMIK nang umuwi kami ni Nanay Elsie dahil sa rebalasyong ginawa ko kanina. Hindi siya kumibo at alam kong hindi siya sang-ayon sa ginawa kong pagpapanggap na dalaga sa harap ni Valentino. Dala ko ang mga binili naming groceries pagkapasok namin ng bahay saka ko nilatag sa lamesa. Nang akmang aayusin ko na ang mga ‘yon ay biglang nagsalita si Nanay Elsie. “Ako na ang mag-aayos, asikasuhin mo na lang si Jayden,” matamlay niyang utos sa akin kaya walang kibong kinuha ko sa stroller si Jayden at dinala sa kuwarto para binihisan ko. “Pasensya ka na anak, ha? Kung sinungaling si mommy. Hindi ko naman din ginusto ‘yon... pero at least kumikita ako at nakakapag-ipon para sa future mo, d