This chapter is dedicated to Keziah Kairues. Thank you for reading sis! CHAPTER 42 3RD PERSON POV BITBIT NG KATULONG ang lahat ng mga binili ni Jessa sa mall. Mga bagay na gusto niya noong nangangarap pa lang siyang maging mayaman. Dalawang mamahaling bag na Louis Vuitton at Gucci, branded na mga suoting damit at sapatos, mga hiyas, pulseras, hikaw at iba pa. “Ma’am Jessa, kailangan niyo po ba talagang bilhin ‘to? Bakit po walang gamit si Caleb?” pagtatakang tanong ng katulong dito sa kaniya. “Mamaya papasok tayo sa mothercare para bumili ng mga gamit ni Caleb. For now, pakilagay na lang mga binili ko ngayon sa kotse at baka mawala pa ‘yan. Saka maiwan ang isa sa inyo sa kotse para bantayan ‘yan. Okay?” “Opo.” Nagboluntaryo ang isang katulong na mauna na lang sa kotse para magbanta