This chapter is dedicated to Lina. Thank you sa first comment sa Chapter 39. Happy reading! CHAPTER 41 DAHLIA’S POV NGITING nilatag ko sa lamesa ang lunch box na niluto ko para kay Valentino. “Special ‘yang niluto ko para sa’yo.” “Talaga ba?” Masayang binuksan niya ang lunch box at namangha siya nang matantuan niya ang ginawa kong somai para sa kaniya. “Ang sweet naman ng honey ko,” aniya direkta sa mata ko kaya biglang namula ang mukha ko at nahihiyang ngumiti. “H’wag mo nga akong titigan ng ganiyan dahil nang-aakit ka, eh!” nahihiyang wika ko sa kaniya pagkuwan ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kaniya dahilan ng pagkandong ko sa mga hita niya. “A-anong ginagawa mo?”