CHAPTER 30 3RD PERSON POV LAKING GULAT ni Dahlia nang makita sa loob ng bahay si Zane karga ang anak niya. Napansin din niyang may nakalatag na mga damit pambata at laruan sa lamesa. “A-anong ginagawa mo dito sa bahay ko?” wika niya dito nang matantuan niyang masayang inaaliw ang anak. “I’m here to visit Jayden. Napaka-cute ng anak mo, Dahlia. Pero parang mana ata ‘to sa tatay, no?” ngiting pang-aasar na tugon nito kay Dahlia. Walang magawa si Dahlia kundi hayaan na lang si Zane dahil nagmamagandang loob naman ito para sa anak niya. At isa pa, baka pagalitan siya ng Nanay niya kung di niya tanggapin ang mga binili nito kay Jayden. Napabuntong-hininga na lamang si Dahlia saka lumapit kay Zane para kunin ang anak. “Andito na si mommy,” masiglang wika ni Dahlia dito nang makarga ang an